Ang layunin ng paunawang impormasyong ito, hinggil sa nabanggit na aktibidad sa pagpoproseso, ay upang maibigay sa iyo ang lahat ng impormasyong kinakailangan ng mga naaangkop na regulasyon at partikular na ng Pangkalahatang Regulasyon ng Proteksyon ng Data (ang "GDPR").
Pagkakilanlan at mga detalye sa pakikipag-ugnayan ng tagakontrol
Compagnie de Saint-Gobain
Saint-Gobain Tower, 12 place de l'Iris
92400 Courbevoie, France
Mga detalye sa pakikipag-ugnayan ng Opisyal sa Proteksyon sa Data (Data Protection Officer, DPO)
Para isagawa ang iyong mga karapatan o kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa pagpoproseso ng iyong data sa sistemang ito, pakipadala ang iyong kahilingan sa sumusunod na address: PrivacyContact.CSG.FR@saint-gobain.com
Layunin ng pagpoproseso
(Mga) Adhikain:
Ginawa ang aktibidad ng pagpoprosesong ito para mabigyang-daan ang:
- Mga empleyado ng Saint-Gobain Group at panlabas at panandaliang collaborator, na mag-report ng:
- krimen o maling pag-uugali;
- matindi at malinaw na paglabag sa internasyunal na pagtatalagang angkop na napatunayan o naaprubahan ng France;
- matindi at malinaw na paglabag sa pangkalahatang pagkilos ng isang internasyunal na organisasyong isinagawa batay sa isang angkop na napatunayang pagtatalaga;
- matindi at malinaw na paglabag sa isang batas o regulasyon;
- matinding banta o panganib sa pampublikong interes kung saan ang nagbigay ng report ay may personal na kaalaman;
- pagkolekta ng mga report mula sa mga empleyado ng Saint-Gobain Group na nauugnay sa pagkakaroon ng mga pag-uugali o sitwasyong salungat sa Kodigo ng Pag-uugali ng Saint-Gobain Group at na malaki ang posibilidad na pahiwatig ng katiwalian o paggamit ng impluwensiya para sa pansariling interes.
- pagkolekta ng mga report na nauugnay sa pagkakaroon o pagkakaalam ng mga panganib ng mga matinding paglabag sa mga karapatang pantao at mahahalagang kalayaan, kalusugan at kaligtasan ng tao at kapaligiran, na nagreresulta mula sa mga aktibidad ng mga entidad ng Saint-Gobain Group, nang direkta o hindi direkta, pati na mula sa mga aktibidad ng mga subcontractor o supplier na kung saan may kilalang ugnayan sa negosyo ang Saint-Gobain, kapag ang mga aktibidad na ito ay nauugnay sa relasyong ito;
- pagkolekta ng anumang report na nauugnay sa anumang asal o sitwasyong sumasalungat sa kodigo ng pag-uugali ng Saint-Gobain Group.
Legal na batayan para sa pagpoproseso:
Legal na pananagutan: kinakailangan ang pagpoproseso para makasunod sa isang legal na pananagutang nag-aatas sa pagpapatupad ng isang sistema ng whistleblowing, partikular ang mga nakasaad sa Artikulo L. 225-102-4 ng French Commercial Code at Artikulo 17.II.2° at 8.III ng batas na “Sapin 2.”
Lehitimong interes: binibigyang-daan ng pagpoproseso ang pagkolekta ng mga report na nauugnay sa isang boluntaryong pagtatalaga ng mga entidad ng Saint-Gobain Group (panloob na kodigo ng pag-uugali). Boluntaryong iniisyu ang mga report at ayon sa pagpapasya ng mga tauhang miyembro o panlabas at panandaliang empleyado.
Data at mga panahon ng pagpapanatili
- Hindi tinatanggap na report: walang antala
- Pagsasara dahil sa kamalian o kakulangan: Dalawang buwan mula sa pagsasara ng lahat ng trabaho sa pagsusuri ng pagiging katanggap-tanggap o pagpapatotoo
- Pagsasara dahil sa maling paggamit ng sistema o dahil sa kakulangan ng kahalagahan ng mga detalye: Pagtatapos ng mga disiplinaryo at/o hudisyal na paglilitis
Kung saan naaangkop, ipinapaalam sa mga tao kung ang hinihiling na data ay ipinag-aatas o opsyonal at ang mga kahihinatan para sa mga ito kung hindi sila makakapagbigay ng sagot.
(Mga) Tatanggap
Ang data na nakolekta ay nilalayong gamitin ng mga taong partikular na responsable para sa pamamahala ng mga report sa mga entidad ng Saint-Gobain Group at ipagamit sa mga ikatlong partido (mga abugado, eksperto, tagasuri) para sa mga layunin ng kanilang mga pagsusuri at pagsisiyasat.
Paglilipat ng data sa labas ng European Union
Ang nakolektang data ay gagawing naa-access sa labas ng European Union, hangga't mahigpit na kinakailangan ito para sa pagpoproseso ng mga natanggap na report, partikular sa konteksto ng pagsisiyasat para mabuo ang kahalagahan ng mga paglabag. Bago ang anumang paglilipat ng personal na data, dapat tiyakin ng tagakontrol, partikular sa pamamagitan ng Mga Pangkalahatang Kontraktuwal na Sugnay ng European Commission, na ang mga taong magkakaroon ng access dito ay maggagarantiya ng sapat na antas ng proteksyon.
Mga karapatan ng mga indibidwal
Sa ilalim ng ilang partikular na kundisyon, maaari kang payagan ng mga regulasyong isagawa ang mga sumusunod na karapatan sa iyong personal na data:
- Karapatan sa pag-access;
- Karapatan sa pagwawasto;
- Karapatan sa pagbubura;
- Karapatang paghigpitan ang pagpoproseso;
- Karapatang tumanggi.
Mayroon ka ring karapatang magpasya kung ano ang mangyayari sa iyong data pagkatapos mong mamatay.
Kung naniniwala kang, pagkatapos makipag-ugnayan sa amin, hindi nirerespeto ang iyong mga karaptan o na ang pagpoproseso ng data na inilalarawan dito ay hindi sumusunod sa mga panuntunan ng proteksyon sa data, may karapatan kang maghain ng reklamo sa iyong nangangasiwang awtoridad.
Pagsumite ng report gamit ang telepono
Ang hindi pagtukoy sa iyong pagkakilanlan ay magiging protektado rin ng BKMS® System kapag nagsumite ka ng iyong report gamit ang telepono. Wala sa Saint-Gobain o EQS Group ang magkakaroon ng access sa numero ng iyong telepono. Ang iyong paglalarawan ng insidente ay itatala sa BKMS® System. Pagkatapos, ang naka-encrypt na sound file ay ita-transcribe ng inatasang empleyado ng Saint-Gobain. Kung nag-set up ka ng naka-secure na postbox sa dulo ng pagsumite ng report gamit ang telepono, maaari kang makatanggap ng feedback sa anyo ng voice recording ng inatasang empleyado ng Saint-Gobain, at maaari kang magdagdag ng impormasyon sa iyong report, kung kailangan. Bilang alternatibo, maaari mong i-access ang iyong naka-secure na postbox gamit ang web application, i-review ang feedback, at gawin ang mga pagdaragdag sa nakasulat na anyo. Upang maproteksyunan ang pagiging kumpidensiyal ng iyong ulat o idinagdag, hindi ka maaaring makinig dito gamit ang iyong telepono o sa isang web-based na naka-secure na postbox.
Karagdagang impormasyon
Ang mga elemento ng detalyadong tala ng impormasyong ito ay maaaring mapailalim sa pagbabago ayon sa mga kinakailangan ng naaangkop na lokal na batas.
Para malaman anumang oras ang impormasyong nauugnay sa ipinapatupad na pagpoproseso ng data, pumunta sa home page ng sistema ng report ng Saint-Gobain.
Maaaring gusto mo ring konsultahin ang Patakaran sa Privacy ng Saint-Gobain Group sa website ng ating kumpanya: www.saint-gobain.com.
Huling update noong : 27/06/2022